Lalo pang lumakas ang Supertyphoon Mawar habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Base sa 11:00 p.m. advisory, sinabi ng Pagasa na nasa 1,840 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 205 kilometro kada oras at pagbugso na 250 kilomeetro kada oras.
Inaasahang papasok sa PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Kapag pumasok sa PAR, tatawagin itong Bagyong Betty.
MOST READ
LATEST STORIES