Sinampahan ng 69 na criminal complaints ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang ilang illicit cigarette traders sa bansa.
Ayon kay BIR Comm. Jun Lumagui, tinatayang P1.8 bilyong buwis ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga tiwaling negosyante sa sigarilyo.
Nag-ugat aniya ang reklamo matapos magsagawa ng nationwide raid ang BIR noong Enero 25.
Sabi ni Lumagui, hindi nagbabayad ng excise tax ang mga tiwaling negosyante.
Ayon kay Lumagui, ang Zamboanga at Pampanga ang pangunahing bagsakan ng mga sigarilyo.
Ayon kay Lumagui, nasa P50 hanggang P100 bilyong buwis ang nawawala sa kaban ng bayan kada taon dahil sa ilegal na bentahan ng sigarilyo.
MOST READ
LATEST STORIES