Naitala ang “extremely dangerous” na heat index ngayon taon sa San Jose, Occidental Mindoro.
Tanghali kahapon, ayon sa PAGASA, nang maitala ang 53°C sa naturang bayan.
Ito na ang bagong pinakamainit na heat index ngayon taon matapos malagpasan ang 50°C na naitala sa Legazpi City, Albay noong Mayo 13.
Ang mga sumunod na pinakamataas na heat index kahapon ay 49°C na naramdaman sa Virac, Catanduanes; Aparri, Cagayan, at Butuan City, Agusan del Norte.
Paliwanag ng PAGASA, ang 52°C pataas na heat index ay itinuturing na “extremely dangerous” at maari nang magdulot ng heat stroke.
Samantala, ang 42°C hanggang 51°C ay “dangerous,” at maaring maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion.
MOST READ
LATEST STORIES