Kumpiyansa si Senate Deputy JV Ejercito na malaki ang maitutulong ng Public-Private Partnership (PPP) para sumigla ang mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.
Sa kanyang pag-isponsor sa Senate Bill No. 2233 sa ilalim ng Committee Report No. 71, iginiit ni Ejercito ang pangangailangan para mapalawig at mapagtibay ang PPP.
Hindi aniya matatawaran ang magagawa ng mga imprastraktura sa pag-unlad at pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Given the growing economy, archipelagic landscape, expanding population, and rapid urbanization, the Philippines requires intensified infrastructure spending and better selected infrastructure investments to support a higher growth trajectory and improve quality of life in both urban and rural communities,” aniya.
Paliwanag niya kabilang sa mga pangunahing reporma na nakapaloob sa panukalang-batas ay napagkaisang “legal framework” para sa lahat ng PPP upang mapagtibay ang pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor.
”Strong and good infrastructures enable trade, businesses, employment opportunities, economic growth and development. This is why it is imperative for us to address our country’s infrastructure gap,” paliwanag pa ni Ejercito sa plenaryo.