Super bagyong Mawar nasa labas pa rin ng PAR

Matapos manghina sa pananalasa sa Guam, lumakas at naging super typhoon muli ang bagyong “Mawar” ngayon umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Base sa 4 a.m. bulletin ng PAGASA, kumikilos ang bagyo ng kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras at huling namataan sa distansiyang 2,130 silangan ng timog-silangang Luzon.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 215 kilometro kada oras.

Babala ng PAGASA, posibleng magpatuloy ang paglakas ni Mawar sa susunod na tatlong araw ar maaring umabot sa pinakamalakas na 215 kilometro kada oras.

Paiigtingin nito ang pag-ulan dulot ng habagat sa MIMAROPA, Visayas, at Mindanao sa Linggo at Lunes.

Read more...