PAGASA: Tubig sa Angat Dam inaasahang aangat sa pag-ulan

Umaasa ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aangat ang antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na ulan.

Ang Angat Dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Manila.

Sinabi ni PAGASA-Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis na mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng “above-normal” na pag-ulan kumpara sa pagkakaroon ng mababang “near-normal rainfall.”

“Ito yung mataas ang posibilidad na marami ang ulan na matatanggap ng ating Angat Watershed,” ani Solis.

Read more...