Anak, apo ni JPE binigyan ng posisyon ni PBBM
By: Chona Yu
- 2 years ago
Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. ang anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Katrina Gloria Ponce Enrile bilang administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), may ranggong Cabinet secretary ang posisyon ng nakakabatang Enrile.
Itinalaga rin ng Pangulo si Anna Cristina Villonco bilang Director III ng PCO, at siya apo naman ng yumaong singer na si Armida Siguion Reyna, na kapatid ng nakakatandang Enrile.
Naitalaga din si Ronnie Ong bilang acting chairman at miyembro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Samantalang, si Diana Rose Cajipe ay bagong undersecretary sa Department of Social Welfare and Development.