Nakatutok ngayon ang PAGASA sa isag tropical cyclone na maaring maging “super typhoon” sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang masamang panahon sa distansiyang 2,330 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro malapit sa gitna at bugso na aabot hanggang 160 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon ng hilaga-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ayon naman kay weather forecaster Anna Jorda, maliit ang posibilidad na umabot sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyo.
Aniya 24 hanggang 48 oras ang posibilidad na maging “super typhoon” ang bagyo.
Gayunpaman, pinag-iingat at pinaghahanda niya ang mamamatan sa maaring mapalakas nito ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa kanlubarang bahagi ng bansa.