Tinupok ng pitong oras na sunog ang Central Post Office sa Plaza Lawton, Maynila.
Bago mag-alas-12 ng hatinggabi nang magsimula ang sunog sa basement ng Post Office, pasado alas-4 ng madaling araw kanina nang ideklara ang Task Force Alpha, bago pa umabor sa General Alarm kaninang ala-6.
Sinabi ni Marc Laurente, chief of staff ni Postmaster General Raul Bendigo na bahagi ng basement ay ginagamit ng kanilang Mega Manila Area Office, na pinaglalagyan ng mga dokumento at hindi ginagamit na mga kagamitan.
Katabi nito ang lugar para naman sa mga sulat at parcels.
Tiniyak naman ni Laurente na ligtas ang National IDs dahil nakatago ito isa ibang boadega sa ibang lugar.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES