Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kaugnay sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Isinampa ang asunto dalawang buwan matapos idawit si Teves sa pagpatay kay Roel Degamo at sa siyam iba pa.
Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, multiple murder at frustrataed murder complaints ang inihain laban kay Teves.
Sinabi pa ng kalihim isang panel of prosecutors ang bubuuin para tanggapin ang mga dokumento.
Unang ipinagharap ng kasong illegal possession of firearms and explosives si Teves at ilan niyang kaanak.
Ilang beses na rin itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo at hiniling na makakabuti na pagtuunan ng pansin ng awtoridad ang ibang anggulo.