P7.5-B mid-year bonus ng mga pulis nailabas na

Naglabas ang pambansang-pulisya ng higit P7.5 bilyon para sa mid-year bonus ng 227,832 aktibong pulis.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr.  ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwan na suweldo ng mga pulis at maari na itog mai-withdraw sa automated teller machine (ATM) simula bukas.

“The mid-year bonus serves as a testament to our commitment to our personnel’s welfare. It is an acknowledgment of their dedication and sacrifices, especially during challenging times. We hope that this bonus will provide them with additional support and encourage them to continue their noble service to our nation,”  aniya.

Ang  P7,544,095,221.00 ay hinuhugot mula sa regular PNP appropriations sa kanilang pondo ngayon taon.

Hindi naman muna matatanggap ng mga pulis na mga pulis na may nakabinbing kaso ang kanilang bonus, ayon kay Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, directorng PNP Finance Service.

“As a disciplinary policy, payment of mid-year and year-end bonuses is deferred for personnel with pending case and serving punishment,” ani  Masauding.

Read more...