POGOs sa human trafficking cases pinasisilip ni Sen. Win Gatchalian

SENATE PRIB PHOTO

Pinapaimbestigahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang posibleng pagkakasangkot ng  Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa human trafficking cases sa Pilipinas.

Sa Senate Resolution 611, partikular na pinasisilip ni Gatchalian ang napaulat na human trafficking sa loob ng Clark Freeport Zone na iniuugnay sa mga POGO. Tinukoy sa resolusyon ang operasyong ikinasa ng mga otoridad noong May 4 kung kailan sinalakay ang isang pinaghihinalaang POGO hub sa loob ng Clark Freeport Zone at nailigtas dito ang 1,090 indibidwal kabilang ang 389 Vietnamese, 307 Chinese, 171 Filipinos, 143 Indonesians, 40 Nepalese, 25 Malaysians, 7 Burmese, 5 Thai, 2 Taiwanese at 1 mula sa Hong Kong. Sinasabing ang mga nailigtas na banyaga  ay sapilitang  pinagtatrabaho sa isang “fraudulent cyber-enabled industry” kung saan ang modus ay himukin ang mga mabibiktima na mag-invest sa crypto currency. Binanggit din sa resolusyon ang NBI report kung saan mula March 2017 hanggang March 2023, sa 113 POGO-related cases, 65 dito ay human-trafficking cases. Bunsod ng nakakabahalang pagtaas ng human-trafficking cases na may kinalaman sa POGO, binigyang diin sa resolusyon ang pangangailangan na suriin ang framework ng POGO operations sa bansa, ang paglaban para masugpo ang mga POGO-related crimes, mapasara ang mga POGO na sangkot sa mga krimen at maaresto ang mga sangkot dito.

Read more...