Sumugod sa tanggapan ng Philippine Port Authority (ppa) sa Port Area, MaYnila ang grupong Alliance of Concerned Truck Owners and Organization (ACTOO).
Ito ay para tutulan ang plano ng PPA na ipatupad ang Trusted Operator Program-Container Registry Monitoring System (TOP-CRMS). Ayon kay Rina Papa, vice president ng ACTOO, hindi makatutulong sa kanilang hanay ang bagong sistema na ipatutupad ng PPA. Sinabi pa ni Papa na 50 porsyento sa mga manggagawa sa pier ang mawawalan ng trabaho dahil sa monitoring system, bukod pa sa P35 bilyon ang magagastos kada taon ng PPA para sa monitoring system. Tiyak aniya na kawawa ang taumbayan dahil ipapasa lamang ito ng PPA sa mga trucker na sigurado namang ipapasa sa huli sa kanilang mga kliyente. Dahil aniya sa bagong sistema, mababawasan ang biyahe ng mga trucker dahil sa dami ng proseso na kailangang asikasuhin kayat magkakaroon ng port congestion.MOST READ
LATEST STORIES