Sen. Alan Cayetano naghahanap ng malinaw na WPS strategy

SENATE PRIB PHOTO

Hinimok ni Senator Alan Peter Cayetano ang gobyerno na magpalabas na ng mas malinaw na istratehiya para sa isyu sa West Philippine Sea.

Aniya ang isratehiya ay upang mapangalagaan ang teritoryo at interes ng Pilipinas sa bahagi ng WPS na inaangkin ng ibang bansa.

Puna ni Cayetano kulang ang Pilipinas sa malinaw na istratehiya dahil pabago-pabago ang posisyon ng gobyerno sa tuwing nagbabago ang administrasyon.

“Kung gusto ng isang presidenteng sobra-sobrang pro-China, gusto ng isa sobra-sobrang anti-China, gusto ng isa sobra-sobrang pro-US, y’ung isa anti-US, ay parang pwede sa ating bansa,” pagbabahagi ni Cayetano sa pagharap sa Commission on Appointments (CA) ng 50 senior officers ng Armed Forces of the Philippines.

Diin niya kung magkakaiba ang istratehiya ng mga administrasyon ang lahat ay hindi magtatagumpay.

Dapat aniya ay mayroong grupo ng mga tagapayo ang pangulo ng bansa, na bubuo ng naturang istratehiya, kabilang ang mga matataas na opisyal ng militar at diplomats.

“Yes, they have to follow orders kung ano ang strategy na inilahad ng commander-in-chief. In other countries, the military establishment is so strong that the swing of the  ng pangulo sa strategy is also limited. Sa atin, parang unlimited,” dagdag pa ni Cayetano, na nagsilbing kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong 2017 – 2018.

 

Read more...