Tinaguriang “fake news” ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfio “Arnie” Teves Jr., ang napabalitang pag-uwi niya ng Pilipinas.
Kahapon, inanunsiyo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na babalik ng ng bansa ang mambabatas na iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon kay Remulla, sa isang “reliable source” niya nalaman ang pagbalik sa Pilipinas ni Teves.
“You want a more reliable source? Sino bang reliable source, yung source nila or ako? “Fake news. Yes!” diin ni Teves sa panayam sa radyo ngayon umaga.
Tumanggi naman ang mambabatas na magbigay ng detalye ukol sa inihirit niyang political asylum sa Timor Leste.
Samantala, ibinahagi ni Remulla na ngayon araw ay sasampahan na ng mga kinauukulang kaso si Teves.