Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) – National Secretariat for Social Action (NASSA) Executive Secretary Father Edwin Gariguez, dahil sa “Change is Coming” na kasabihan ngayon, dapat maging bahagi nito ang polisiya sa climate change.
Sinabi ni Gariguez na dapat maging seryoso ang susunod na pamahalaan sa gagawing paglaban sa epekto ng climate change sa Pilipinas.
Samantala, siniguro naman ni Fr. Dexter Toledo, National Coordinator of Ecological Justice Interfaith Movement na hindi mananahimik ang Simbahang Katolika at patuloy na ipaglalaban ang adhikain para sa malinis na kapaligiran at kapakanan ng pamayanan.
Umaasa naman si Toledo na magiging bahagi ng mga plataporma bg mga uupong bagong mga lider ng bansa ang pangangalaga sa kalikasan.