Lahat ng kaaway ng pamahalaan, komunista man, MILF, MNLF ay kinakausap na para sa usa-ping pangkapayapaan.
Pati China, pinakiusapang huwag itaboy ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal. Bagay na hindi nagawa ng paalis na “Daang Matuwid.”
Sa kabilang dako, ang mga kontrobersyal na Cabinet appointments tulad ng DAR (galit ang mga haciendero), DSWD (galit ang mga “pulitiko”), DOLE (galit ang management), DEPED (galit ang simbahang Katoliko) sa mga maka-kaliwa ay sensyales na pra-yoridad ni Digong ang kapakanan ng mahihirap na mamamayan.
Ang DPWH ay nilagyan ng isang super yamang Cabinet member kayat mahihirapan ang mga kontratistang magnakaw dito. Ang pinuno ng Agriculture na taga-Mindanao ay ginawang libre ang irrigation fees sa mga magsasaka at na-ngakong ititigil na ang corruption sa importas-yon ng bigas sa NFA, at maging sa pagpasok ng “imported na karne sa bansa.
Sa mga negosyante, ang Finance at DTI ay i-binigay sa mga “insiders” para parehas nilang isusulong ang kanilang interes sa gobyerno.
Sa corruption-ridden na Customs, ang inilagay ay isang dating wanted at “idealist” na military officer. Sa kabuuan, ang nakita nating dating kalakaran na may pinapaborang ilang negosyante ang Malakanyang ay tila magwawakas na rin tulad nitong mga monopoly, duopoly sa Internet.
Malaking bagay na walang pinagkakauta-ngang loob itong si Digong sa mga negosyanteng ito.
Ibabalik din ang Le-gislative-Executive Advisory Council (LEDAC) para sa mas maayos na koordinasyon, habang ang malinaw na mensahe ay walang corruption na mangyayari sa Gabinete at buong Gobyerno. Maliwanag din ang bagong patakaran na wala nang “pork barrel” ang mga senador at kongresista at kung meron man, ito’y dapat nakapaloob bilang “line-item” sa national budget bawat taon at hindi na sila makikialam sa mga kontratista sa implementasyon nito.
Idagdag pa natin diyan ang paglaban sa mga illegal drugs kung saan inaabangan nating lahat kung sino iyong tatlong police generals na nagre-recycle ng mga nahuhuling droga.
Sa July 1, 15 bagong regional police commanders ang ilalagay sa pwesto at bawal na sa kanila ang mag-golf habang nasa pwesto. Bukod diyan, may listahan na sila ng mga koronel, tenyente, hanggang sa PO1 na sangkot sa ilegal na droga. Susunugin din “in public” ang mahuhuling droga.
Magiging wagas din kaya ang pagbatikos kay dating Pangulong Arroyo na siyang ginawa ng administrasyong Aquino? Ipakukulong din ba ni Digong ang mga nagkasala sa DAP at PDAF, kasama na si PNoy? Alam ng lahat na si Digong ay dating Second Assistant Prosecutor, ka-yat alam niya ang alinmang “legal moves” kung gugustuhin niya.
Sa kabuuan, excited talaga ako sa bagong administrasyon kung saan maliwanag na maliwanag ang adhikain nitong puksain ang crime, corruption, drugs. At bukod diyan, kahit paano’y subukang maipantay ang interes ng nakararaming mahihirap na mamamayan sa interes ng mga mayayaman.
Harinawang manumbalik at manaig ang makatotohanang “common sense” sa gobyerno sa susunod na anim na taon. Good Luck, President Digong!