Ilang oras bago ang do-or-die game sa NBA Finals, nalalabing courtside tickets, $139,000 ang halaga

Twitter Photo NBA TVMay natitira pang ilang courtside tickets para sa magaganap na game 7 ng NBA finals ngayong araw.

Pero ang halaga para makaupo sa row AA o ang VIP courtside ay $139,000 o nasa P5 milyon.

Ang do-or-die game ay gaganapin sa Oakland Arena na home court ng Golden State Warriors.

Sa ngayon mayroon pang nalalabing ilang tickets para sa VIP courtside access na ibinebenta online.

Ang halaga ng ticket para sa pinaka-aabangang laban ng Cleveland Cavaliers at ng Warriors ay nasa pagitan ng $795 hanggang $139,000 depende sa pwesto.

 

Read more...