Batanes, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

June 20 BatanesNiyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Sabtang sa lalawigan ng Batanes kaninang madaling araw (June 20).

Naitala ang pagyanig alas 2:20 ng madaling araw sa 64 kilometers west ng Sabtang.

May lalim na 25 kilomters ang lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, wala pa silang natatanggap na report kung may naitala bang intensities bunsod ng nasabing pagyanig pero alas 3:18 ng madaling araw kanina ay nagdulot na ito ng magnitude 3.3 na aftershock sa nasabi ring bayan.

Samantala, kanina namang alas 3:33 ng madaling araw ay niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Ambaguio sa Nueva Vizcaya.

Naitala ang pagyanig sa 9 kilometers west ng Ambaguio at may lalim itong 3 kilometers.

 

 

Read more...