Chiz pinabibigyan ng mas malaking bayad sa maling kulong

Naghain ng panukala si Senator Chiz Escudero para lumaki ang nakukuhang kompensasyon ang mga biktimang ng hindi makatarungang pagkakakulong at matinding karahasan.   Layon ng Senate Bill 884 na maamyendahan ang Republic Act 7309 na bumuo ng Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).   Paliwanag ni Escudero mula noong 1992, nang maipatupad ang batas, ay pareho pa rin ang kompensasyon at ang pondong nakalaan.   Kapag maisabatas ang panukala, ang mga biktima ng unust imprisonment ay maaaring mabigyan ng hanggang P10,000 kada buwan ng pagkakakulong – ito ay mula sa P1,000  kada buwan na itinatakda ng kasalukuyang batas.   Itinaas rin ng panukala sa P50,000, mula sa P10,000, ang pinakamalaking na halaga na maaaring i-claim.   Ayon sa senador ito ay para sa reimbursement ng mga nagastos ng claimant sa hospitalisasyon,pagpapagamot, kawalan ng kita, at iba pa.

Read more...