6-7 suspek sa Degamo murder case tumahimik na

 

Naantala na naman ang pagsasampa ng kaso ng pamahalaan laban kay Congressman Arnie Teves na nadadawit sa kaso ng pagpatay kay Roel Degamo.

Paliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla, anim hanggang sa pitong suspek sa Degamo murder case ang ayaw nang magsalita.

Sabi ni Remulla, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng DOJ.

Pag-amin ni Remulla, 11 araw nang delay ang paghahain ng kaso laban kay Teves.

Umaasa si Remulla na maisasampa ng National Bureau of Investigation ang kaso laban kay Teves sa Miyerkules.

 

Read more...