Gilas Pilipinas panalo kontra sa Indonesia sa SEA Games

 

 

Pinataob ng Gilas Pilipinas ang defending champion na Indonesia sa 32nd Southeast Asian Games na ginaganap sa Cambodia.

Ito ay matapos tuldukan ng Gilas Pilipinas ang laro sa iskor na 84-76.

Kumamada ng 34 na puntos si Justin Brownlee para iangat ang Pilipinas.

Sunod na makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Cambodia ngayong araw ng 4:00 ng hapon (Manila time) para sa gold medal.

Saludo si Coach Chot Reyes sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas lalot hindi biro na kalaban ang Indonesia.

 

 

 

Read more...