267 na bilanggo pinalaya ng BuCor

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

 

Nasa 267 na bilanggo ang pinalaya ng Bureau of Corrections ngayong araw.

Ayon sa talaan ng BuCor, 45 na bilanggo mula sa maximum security compound ang nakalaya, habang nasa 75 naman ang galing sa medimum security compound at dalawa mula sa minimum security compound.

Nasa 124 na bilanggo ang nakalaya matapos mabigyan ng parole habang 72 ang nakalaya matapos ang expiration ng maximum sentence.

Una rito, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-decongest ang mga kulungan at palayain na ang mga karapat dapat na lumaya.

 

Read more...