Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial signing para sa renewal agreement sa Malampaya Service Contract.
Ginawa ang ceremonial signing ngayong umaga, Mayo 15 sa Palasyo ng Malakanyang.
Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa.
Nabatid na ang Malampaya gas field ay nagsu-supply ng 20 porsyento ng power requirement ng Pilipinas.
Ayon naman sa Department of Energy, hindi bababa sa limang power plants na may kumbinasyong capacity ng 3,453 megawatts ang kasalukuyang sinusuplay ng Malampaya.
Required din ang consortium na magsagawa ng minimum work program na binubuo ng geological at geophysical studies.
Kailangan din itong maghukay o magsagawa ng drilling ng kahit dalawang deepwater wells sa panahon ng sub-phase 1 mula 2024 hanggang 2029.
Maliban dito ay kailngan din nitong magsagawa ng exploratory drilling malayo sa Malampaya production area.
Ang karagdagang reserves sa Malampaya gas field ay inaasahang magpapasigla sa hangarin ng pamahalaan para sa seguridad sa enerhiya ng bansa