Hinikayat ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatupad ng “one strike” policy sa mga negosyante na magsasamantala sa kanilang mga manggagawa.
Kabilang aniya na dito ang hindi pagsunod sa minimum wage at hindi pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo.
Puna ng vice-chairman ng Senate Committee on Labor, walang ngipin sa ngayon ang mga batas sa pagagwa kayat hindi natatakot ang mga negosyante.
Diin niya kung matibay ang ebidensiya sa inireklamong employer ay dapat agad patawan ng parusa para magsilbing babala sa iba.
Sinita din niya ang mahabang proseso na pagdadaanan ng manggagawa na maghahain ng reklamo laban sa kanyang amo.
Gumagastos pa aniya ang manggagawa o kawani kapag naidulog sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang reklamo at doon ay aabutin pa ng mahabang panahon bago makapagpalabas ng desisyon.