Naghain ng panukala si Senator Christopher Go para mas maging moderno ang Philippine Coast Guard (PCG).
Paliwanag ni Go, layon ng inihain niyang Senate Bill 2112, na mapalakas pa ang kapabilidad ng PCG na protektahan ang yamang-dagat ng Pilipinas.
Nakasaad sa kanyang panukala ang “upgrade” ng mga sasaskyang-pandagat, sasakyang pang-himpapawid at kagamitan ng coast guard ng bansa para umayon sa “international standards.”
“As we all know, the Philippine Coast Guard plays a critical role in ensuring the security and safety of our maritime nation,” sabi pa ng vice chairman ng Senate Committee on National Defense.
Naniniwala si Go na kung mangyayari ang mas modernong PCG, mawawala o mababawasan ang mga trahedya sa karagatan, mas mabilis na pagresponde o pagsaklolo at mas mababantayan ang “maritime zones” ng Pilipinas.