Ayon kay incoming presidential spokesperson Ernesto Abella, nais niyang makabuo ng magandang relasyon sa mga mamamahayag, sa kabila ng pag-boycott ni Duterte sa mga ito.
Bukod sa malinaw na paghahatid ng mga nais iparating ng pangulo sa bayan, ipinangako rin ni Abella na mabilis siyang tutugon sa mga katanungan ng media basta’t nasa kanila na ang tamang impormasyon na dapat ihayag.
Matatandaang noong nakaraan ay inanunsyo ng kaniyang executive assistant na si Bong Go sa media na hindi na muna magpapaunlak ng interview at press conference si Duterte upang makaiwas sa pagkakamali.
Ginawa rin ito ni Duterte matapos siyang banatan ng ilang mga mamamahayag, at nang manawagan ang grupong Reporters Without Borders na i-boycott ang susunod na presidente.