Dahil dito, hinihiling ni Hontiveros sa kapwa niya mga Senador na ipanatili ang kanilang pagiging isang ‘independent’ upang mapanatili ang ‘check and balance’ sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Giit ni Hontiveros, bahagi ng kanilang mandato bilang halal na opisyal na tiyakin na mapapangalagaan ang karapatan ng mamamayan.
Mananatili rin aniya ang alyansa ng kanyang partidong Akbayan sa Liberal Party bagama;t handa silang makipag-usap sa PDP-Laban ni Duterte upang maabot ang isang ‘strong ang independent’ Senate.
Matatandaang noong June 8, sinabi ni Duterte na hindi siya dapat pakialaman ng mga mambabatas kanyang gagawing anticrime campaign.
Kahapon, Linggo, nagtungo si Hontiveros kasama ang kanyang pamilya sa Cebu City at nanumpa sa harap ni Cebu Governor Hilario Davide III.