COC sa SCS itutulak ni Pangulong Marcos Jr. sa ASEAN Summit

PCO PHOTO

Labuan Bajo, Indonesia – Hihikayatin ni Pangulong   Marcos Jr. ang mga kapwa lider sa Southeast Asian Nations na isapinal na ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Nasa Indonesia ngayon si Pangulong Marcos para sa 42nd ASEAN Summit at aniya itutulak niya ang COC para kumalma na ang tensyon sa South China Sea.

“So yes, I will bring it up again because when we talk about – when we talk about the issues on the West Philippine Sea, South China Sea, hindi magkakalma ‘yan hanggang mayroon na tayong Code of Conduct,” pahayag nito.

Ayon sa Pangulo, ang COC ang magbubuklod sa mga bansa para sa  maging malinaw na ang isyu.

“Solution of all of these problems is really the new Code of Conduct. Kaya paulit-ulit ko laging sinasabi ‘yan. In every forum I can find, sinasabi ko Code of Conduct kailangan nating tapusin,” pahayag ng Pangulo.

Aminado ang Pangulo na ang magkakahiwalay na bilateral negotiations sa ASEAN member-states at China ang nagiging dahilan para maging kumplikado ang sitwasyon

Paglilinaw ng Pangulo, hiwalay na negosasyon ang COC sa ASEAN Summit.

Matatandaang sa naunang ASEAN Summit noong nakaraang taon, itinulak na rin ni Pangulong Marcos ang COC sa South China Sea.

 

 

Read more...