Mga tawag ni Rep. Arnie Teves dinedma ni Bato

Ibinahagi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ilang beses siyang tinangkang kausapin ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

At hindi tinanggap ni dela Rosa ang mga naturang tawag sa cellphone.

Katuwiran ni dela Rosa umiiwas lamang siya na ma-intriga pa kung kakausapin niya si Teves, na nadidiin sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Nabanggit ng senador na kaibigan niya si Teves ngunit ayaw niyang mapagdudahan ang pag-iimbestiga sa pagpatay kay Degamo ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order.

Ngayon alas-10 ng umaga, muling magkakaroon ng pagdinig ang komite at ayon kay dela Rosa mas maraming testigo at resource persons ang haharap.

Bagamat malilimitihan ang oras ng pagdinig dahil balik-sesyon ang Senado, sinabi ni dela Rosa ang kanyan intensyon na pagsalitain ang lahat.

Bago ang pagdinig, magkakaroon muna ng executive meeting ang komite base sa kahilingan ng kampo ni Degamo.

Read more...