47% ng mga Filipino naniniwalang delikadong banatan ang gobyerno

INQUIRER FILE PHOTO

Sa kalahati ng unang taon ng administrasyong-Marcos Jr., 47 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabi na delikado na maging kritikal sa gobyerno.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong nakaraang Disyembre 10 hanggang 14, 19 porsiyento sa mga sumagot ang “strongly agreed” at 28 porsiyento naman ang “somewhat agreed.”

May 27 porsiyento ang “undecided” ar 26 porsiyento ang “disagreed” sa pahayag na “It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth.”

“The resulting net agreement score of +20 (percent agree minus percent disagree, correctly rounded), classified by SWS as moderate, is four points below the moderate +24 (46 percent agree, 22 percent disagree) in December 2021,” ayon sa SWS.

Nabatid na pinakamarami sa mga naniniwalang delikado ang maging kritikal sa gobyerno ay sa Metro Manila (+28), kasunod sa Visayas (+23), Balance Luzon (+21), at Mindanao (+13).

Read more...