Bato, “no comment” sa puna ni Pangulong Marcos Jr. sa Duterte “war on drugs”

Tumanggi na magbigay ng komento si Senator Ronald dela Rosa sa inihayag na obserbasyon ni Pangulong Marcos Jr., ukol sa ikinasang “war on drugs” ng administrasyong-Duterte.

Itinuturing si dela Rosa na “chief architect” ng kampaniya dahil siya ang nagsimula ng Oplan Tokhang bilang hepe ng pambansang-pulisya.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na base sa kanyang obserbasyon nagkaroon ng pagmamalabis sa kampaniya kontra droga partikular na sa mga nagpatupad nito.

Katuwiran ni dela Rosa, ayaw niyang mag-komento dahil hindi niya lubos na naintindihan ang konteksto ng pahayag ng Punong Ehekutibo kayat iniiwasan din niya na mabigyan ng ibang kahulugan ang kanyang sasabihin.

Pinuna ng maraming bansa ang kampaniya ng nagdaang administrasyon laban sa droga dahil nagresulta ito sa pagkamatay ng mga libo-libong katao, kabilang na rin ang mga alagad ng batas.

Sina dating Pangulong Duterte at dela Rosa ay kapwa inireklamo sa International Criminal Court (ICC).

Read more...