PBBM Jr., kakausapin mga pangulo ng Vietnam at Timor Leste sa ASEAN Summit

Labuan Bajo, Indonesia-Dalawang bilateral meeting ang agad na nakapila kay Pangulong Marcos Jr. sa pagdalo nito sa 42nd Association of Southeast Asian Nations dito. Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil,  makikpag-pulong si Pangulong Marcos sa mga pangulo ng Vietnam at Timor Leste. Aniya  manipis lamang ang delegasyon na bitbit ngayon ng Pangulo at kabilang sa mga kasama ay ang mga kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Foreign Affairs (DFA). Kasama rin  sina House Speaker Martin Romualdez at  Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Ayon pa kay Garafil, kasama rin sa delegasyon sina Pax Mangudadstu at Ibrahim  Murad dahil isa sa mga pag-uusapan sa ASEAN Summit ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Read more...