P3.8-M halaga ng imported na shabu itinago sa mga suklay, nabuking sa NAIA

Hindi nakaligtas sa mga ahente ng Bureau of Customs- NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang hinihinalang shabu na ipinuslit sa bansa.

Nabatid na ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P3.8 milyon ay itinago sa eyelash sets, electric hair dryers, at electric hairbrushes.

Ang cargo ay dumaan sa DHL Express Gateway Warehouse sa NAIA at nadiskubre kahapon

Dumaan sa x-ray machines ang package at dahil sa mga kahina-hinalang bagay, nagsagawa ng physical examinations ang Customs examiners at nadiskubre ang 560 ng hinihinalang shabu.

Iniimbestigahan na ang nagpadala at ang dapat na tatanggap ng naturang package para kasuhan.

 

Read more...