Nanawagan ang Globe sa kanilang subscribers na iwasan na ang “last minute” registration ng kanilang SIM para na rin sa kanilang proteksyon.
Ayon sa Globe maraming bentahe ang registered SIM at isa na ang maaring pag-block sa sarilim SIM sakaling mawala o manakaw ang gamit na cellphone.
Sa ganitong paraan, hindi mabubuksan ang personal information na nasa SIM, bukod pa sa ibang accounts at apps.
Maiiwasan din na maging biktima ng scam at spam text messages.
Bukod pa dito ay tuloy-tuloy na mapapakinabangan ang mobile services at magagamit ang inyong number para sa online transactions at pag-book ng mga delivery at ride-hailing services.
Patuloy din na makatatanggap ng urgent reminders mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.
Kayat patuloy ang panghihikayat ng Globe sa kanilang prepaid at TM na irehistro ang kanilang SIM.
“Tandaan, ang pagpaparehistro ng inyong SIM ay para sa inyong kaligtasan. Huwag hintayin na maging huli ang lahat. Magparehistro ng inyong SIM bago matapos ang extended deadline sa Hulyo 25,” paalala pa ng Globe.