COVID 19 positivity rate sa Metro Manila bumabagal na – OCTA

Mas mataas ngunit nagsimula nang bumagal ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon ito kay OCTA Research fellow Guido David  at aniya  hanggang noong Mayo 7, 22.9% ang positivity rate sa Kalakhang Maynila, mas mataas sa naitalang 17.8% na naitala naman noong Abril 30.

Bagamat nasa “high risk” ang Metro Manila, ang paglobo naman ng bilang ay bumabagal na.

Dagdag pa nito, ang pinakamataas na bilang ay maaring maitala pa sa susunod na linggo ngunit hindi na ito aabot sa 25 porsiyento.

Katulad ito aniya sa naranasan nang maganap ang “Delta wave” noong 2021.

Ang pinakamataas na naabot na positivity rate ay 50% nang manalasa naman ang Omicron wave noong 2022.

Kumpiyansa din si Guido na hindi dadagsain ang mga ospital ng mga taglay ang 2019 coronavirus.

 

Read more...