Tinanggap na ni Pangulong Marcos Jr. ang courtesy resignation ng dalawang police generals.
Ayon sa Pangulo, mayroon pang 30 pulis ang sumasailalim sa imbestigasyon dahil sa pagkakadawit sa ilegal na droga. Sabi ng Pangulo, pinag-aaralan pa ito kung kakasuhan o sususpendihin. Una rito, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (Napolcom) na tanggapin na ang pagbibitiw ng dalawang police general at dalawang colonels. Sa kabila nito, tiniyak naman ng Pangulo na marami pa ring mga pulis ang matitino at maayos na nagbibigay serbisyo.MOST READ
LATEST STORIES