Pangulong Marcos Jr., dadalo sa ASEAN Summit

OP PHOTO

Biyaheng Indonesia ngayong araw si Pangulong  Marcos Jr., para dumalo sa 42nd Association of Southeast Asian Summit.

Ala una mamayang hapon aalis ang Pangulo patungo Labuan Bajo, Indonesia. Ayon sa abiso ng Malakanyang, mananatili ang Pangulong Marcos Jr., sa Indonesia hanggang sa Huwebes, Mayo 11. Isa sa mga agenda na itutulak ng Pangulo sa ASEAN ang food security sa gitna ng kinakaharap na global food crisis. Ididiga rin ng Pangulo ang usapin sa climate change pati na sa seguridad sa rehiyon.

Read more...