43 Indonesians na biktima ng trafficking, nailigtas sa Parañaque City

Sa pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Indonesia, nasagip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang 43 Indonesian citizens sa isang gusali sa Parañaque City. Sinabi ni SPD director, Brig. Gen. Kirby Kraft na ang mga naturang banyaga ay pinaniniwalaang pawang biktima ng “human trafficking.” Aniya ala-5:30 ng umaga noong nakaraang Sabado nang salakayin nila ang gusali sa Barangay Tambo kasama si Muhammad Alfian Darmawan, ng Protocol and Consular Affairs Embassy of the Republic of Indonesia. Naaresto naman sina  Ong Kok Siang, isang Malaysian national, Guo Jinxie, Zhangxiao Feng, Loi Shing-Hung aka Jerry Wang at aka Lou Xing Hong, pawang Chinese nationals, Micheal Aodi,  Chalvin Nashua Abetnego, at Joppy, pawang Indonesian nationals. Sila ay mahaharap sa mga kasong serious illegal detention at human trafficking.

Read more...