Binigyan papuri ni Senator Cynthia Villar ang “Operation Restore Hope,” na ang layon ay mabigyan tulong ang mga may “cleft lip and palate.”
Napakalaking tulong, sabi ni Villar sa mahihirap na bata na taglay ang naturang “birth defect,” nakaka-apekto sa isa sa bawat 1,00 bata.
“The condition can have a significant impact on a child’s ability to eat, speak, hear, and socialize normally, leading to low self-esteem and social isolation. That’s why this medical mission, which provides free lip and cleft palate surgeries to underprivileged children, is so important,” ayon kay Villar.
Ang operasyon para ayusin ang cleft lip at palate, dagdag pa ng senadora, ay malaking tulong na iangat ang kalidad ng buhay ng may ganitong kapansanan.
“It can restore normal function and achieve a more normal appearance with minimal scarring. By providing these surgeries for free, we are giving hope and transforming lives,” giit niya.
Sa pamamagitan ng kanyang Villar SIPAG Foundation, nakiisa ang senadora kay Ben Mead, founder ng Mead Foundation na nagdala ng “Operation Restore Hope Australia” medical mission sa Las Piñas City.
Ikinagalak din niya ang Las Piñas City Medical Center sa sa pagsuporta ng kanilang medical practitioners at iba pang tauhan sa misyong ito-“Libreng Operasyon Para Sa Bingot.”
“Let us all strive to make a positive difference in the lives of these children'” dagdag pa niya.