Paghugot sa monumento ng “Utak ng Rebolusyon” pinuna ni Sen. JV Ejercito

SEN. JV EJERCITO PHOTO

Matapos ang paglipat ng Bantayog ni Andres Bonifacio, isinunod naman na hinugot ng pamahalaang-lungsod ng San Juan ang Dambana ni Emilio Jacinto.

Muli itong pinuna ni Sen. JV Ejercito at sa kanyang social media post ang larawan nang pinag-alisan ng monumento ng itinuturing na “Utak ng Katipunan” sa may San Juan National High School.

“Isang LANDMARK din at inspirasyon para sa mga kabataan,” ang tweet ng senador patungkol sa huling hakbang ng pamahalaang-lungsod.

“Sobra. Bantayog para sa mga bayani dinamay sa pulitika!” ang komento pa ni Ejercito sa kanyang tweet.

At sa sumunod niyang post ay ang larawan kung saan inilipat ang monumento ni Jacinto sa Pinaglaban at sa pagitan ng mga puno.

Sinundan niya ito ng kanyang retrato sa harap ng pinaglipatan naman ng Bantayog ni Andres Bonifacio.

“Pilit mang itinago si Gat Andres Bonifacio dito sa Pinaglabanan, San Juan, hindi ako matitinag sa pagbibigay pugay at pakikipaglaban na ipagbunyi ang kanyang kadakilaan, kabayanihan ar kagitingan!” ang tweet pa ni Ejercito.

Read more...