Jobs hunting ni PBBM para sa mga Pinoy pinuri ni Villanueva

OSJV PHOTO

Binigyan pansin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva  ang pagsusumikap ni Pangulong  Marcos Jr. na makahanap at magkaroon ng trabaho ang mga Filipino mula sa kanyang mga pagbiyahe sa ibang bansa.

Sinabi ito ng senador kasunod ng ianunsiyo ng gobyerno na sa nagdaang US trip ng Pangulo, maraming kumpanya sa Amerika ang nangakong kukuha ng mahigit 75,000 Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

“Good news po ito sa ating mga kababayang marino. Nagagalak tayo na may maganda silang patutunguhan sa kanilang paglalayag. The President is indeed the best salesman of the country and we thank him for reaping investments and jobs for our people from his foreign trips,” ani Villanueva

Sa kanyang nakalipas na pagbiyahe sa US, nakallikom din ang Punong Ehekutibo ng US$ 1.5 bilyong investment pledges na  lilikha ng 6,700 trabaho

“This is a welcome development, especially in addressing the unemployment in the country, which is at 4.8% equivalent to 2.47 million, as of February 2023,” ayon pa sa Majority Leader.

Sa pagsusulong ng kanyang Senate Bill No. 2035 o ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) bill, sinabi ni Villanueva  na kailangang pagtibayin ang maraming mga polisya para matugunan ang pakikibaka ng mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.

 

Read more...