Ilang lugar sa Metro Manila, Rizal ilang araw na mawawalan ng tubig

Halos isang linggo na makakaranas ng pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Rizal, ayon sa Maynilad at Manila Water. Nabatid na magsasagawa ng magkakahiwalay na pagsasa-ayos ang dalawang water  concessionaires simula ngayon araw hanggang sa araw ng Linggo, Mayo 14. Sa bahagi ng Maynilad, maaapektuhan ang mga lungsod ng Caloocan, Quezon at Valenzuela. Ayon naman sa Manila Water, mawawalan ng tubig alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga sa Cainta, Taguig City, Makati City at ilang bahagi ng Quezon City. Magpapadala naman ng water tankers ang Manila Water para sa suplay ng tubig ng kanilang mga maapektuhang kustomer.

Read more...