Bigtime price rollback sa mga produktong petrolyo inaasahan

Sa ikatlong sunod na linggo, magtatapyas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis. Bukas, maaring mabawasan ng mula P2.50 hanggang P2.70 ang kada litro ng diesel, samantalang maglalaro sa P1.80 hanggang P2.00 naman sa gasolina. Samantala, maaring P2.20 hanggang P2.50 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kerosene. Noong nakaraang linggo, bumaba na ng P1.30 ang halaga ng kada litro ng diesel, P1.50 naman sa gasolina at P1.40 sa kerosene. Simula sa pagpasok ng 2023, base sa pagbabantay ng Department of Energy (DOE), ang gasolina ay tumaas na ng P7.55, P3.05 ang diesel ar P3.55 naman sa kerosene. Ang bawas-presyo sa mga produktong-petrolyo ay magsisimula alas-12:01 ng madaling araw, ala-6 ng umaga at alas-4 ng hapon.

Read more...