DOE sinisingil ni Hontiveros sa pangako na stable power supply ngayon 2023

Nanawagan ni Senator Risa Hontiveros ang Malakanyang na resolbahin ang mga napapadalas na power outages sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE)  na ipaliwanag sa taumbayan ang mga service interruptions na nararanasan o ang tila namumuo anyang nationwide power crisis sa kabila ng paniniguro noong isang taon na stable ang power supplly ng bansa ngayong 2023.

Sinabi ng senadora na hindi maaaring dasal lang ang tugon ng pamahalaan sa problema sa kuryente lalo’t lahat na ng grid – mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay patay sindi ang serbisyo.

Nagdududa rin si Hontiveros sa timing ng mga pahayag ng Malakanyang kaugnay sa planong paglalagak ng investment ng private sector mula sa United States partikular sa nuclear power projects sa Pilipinas.

Iginiit ng senador na hindi naman mareresolba ng mga proyektong ito ang kasalukuyang problema kasabay ng paglalarawan na ang nuclear energy ay maituturing na desperate at terrible, false solution sa problema sa enerhiya ng bansa kumpara sa malinis at indigenous renewable energy resources.

Tiniyak din ng mambabatas na suportado niya ang anumang ikakasang pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay sa problema sa kuryente sa bansa kasama na ang proposed measures at resolutions na naglalayong maibaba ang bayarin sa enerhiya.

Read more...