Ibinahagi ng Cebu Pacific na simula noong Enero hanggang Marso ay kumita sila ng P1.1 bilyon mula sa pagkakalugi ng P7.6 bilyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Ito ang naitalang kita ng CebuPac simula noong pandemya at sa kabuuan sila ay kumira ng P20.9 bilyon, na mas mataas ng 211% kumpara sa unang tatlong buwan noong 2022.
“The steep growth was largely driven by recovery of its passenger business, which generated P14.3 billion, 352% higher year-on-year. This was followed by ancillary business which generated P5.46 billion, up 221% year-on-year,” ayon sa pahayag ng Cebu Pacific.
Nakapaglipad sila ng higit 4.8 milyong pasahero noong Enero hanggang Marso, mataas ng 135%
Bunga nito ang kanilang eat load factor ay umangart sa 83%, mataas ng 13 percentage points year-on-year.
Lumipad ang CEB ng 32,000 flights sa unang tatlong buwan ng taon, mataas ng 94% year-on-year.
Samantalang ang kanilang aircraft utilization at operating expenses ay nadagdagan lamang ng 63 porsiyento.