Nagpapatuloy ang malakas na pagbawi ng AirAsia Philippines matapos makapagtala ng 92 percent load factor sa unang tatlong buwan ng taon.
Sinabi ni AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Country head Steve Dailisan sa pangkalahatan umangat ng 84 percent ang kanilang flight frequency, seat capacity at ang bilang ng mga pasahero noong Enero hanggang Marso.
Nakatanggap din sila ng 1.4 million bookings sa nasabing panahon mas mataas ng walong porsiyento kumpara sa mga sinundan na buwan at ang kanilang international bookings ay humataw ng 70 percent.
“AirAsia Philippines intends to sustain the momentum by opening more international destinations in Q2 and Q3. We expect these developments to encourage more guests to fulfill their travel plans as we impact the speedy recovery of the travel and tourism industry,” ani Dailisan.
Ibinahagi pa niya na sa ngayon ang kanilang “top performing routes” mula sa Manila hub ay patungo sa Puerto Princesa, Tagbilaran, Boracay, Narita, Osaka ar Macao.
Nag-aalok din sila ngayon ng P55 one-way base fare mula sa Manila, Cebu at Clark hubs patungo sa Davao, Cagayan de Oro, Seoul, Kaohsiung, Guangshou at Tokyo hanggang