Naghain ng mosyon sina suspended Negros Oriental Represerntative Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. at ang dalawang niyang anak na sina Kurt Matthew and Axel sa Department of Justice (DOJ) para maibasura ang kanilang mga kasong illegal possession of firearms and explosives.
Ngunit agad naman kumilos ang mga nasa prosekusyon at isinumite na ang kaso para sa resolusyon base sa mga kaso na isinampa ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Inakusahan ang mag-aamang Teves ng paglabag sa RA 10591 at RA 9516 dahil sa diumanoy llegal possession of firearms and explosives.
Ang mga baril at pampasabog ay nakuha sa bahay ni Teves sa Bayawan City noong Marso 10 base sa search warrant.
Sinabi ni Ferdinand Topacio may mga naging paglabag ang awtoridad nang sumalakay ang mga ito sa bahay ng mambabatas.
Diin pa niya walang matibay na ebidensiya para masakdal ang mga Teves sa mga naisampang kaso.
Itinuturing na utak sa pagpatay kay Negros Oriental Roel Degamo si Teves, na agad naman itinanggi na may kinalaman siya sa insidente.
Nananatili pa ito sa ibang bansa at aniya hindi siya uuwi hanggang hindi nawawala ang mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.