Lalaki pinatay sa saksak ang partner, nagbigti

Winakasan na ng 51-anyos na lalaki ang sariling buhay matapos patayin sa saksak ang live-in partner sa Naic, Cavite.

Nagbigti si Telmo Notaryo matapos pagsasaksakin ang kinakasamang si Michele Amulong, 47.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa ukol sa pera.

Dinala pa ang dalawa sa ospital ngunit kapwa idineklarang dead on arrival.

Hindi na rin pumayag ang kaanak ng dalawa na ma-awtopsiya ang kanilang mga labi.

 

 

Read more...