Sen. Santiago, bumuti na ang kalagayan

 

Inquirer file photo

Mas maigi na ngayon ang kalagayan ni Sen. Miriam Defensor Santiago, matapos ma-ospital dahil sa sakit na pneumonia.

Nag-post ang kaniyang staff sa Facebook at Twitter ng “She is feeling better. Thank you.”

Matatandaang noong nakaraang buwan ay isinugod sa ospital ang senadora dahil sa komplikasyon ng kaniyang lung cancer.

Dalawang linggong nasa ospital si Santiago at dalawang araw pa siyang namalagi sa intensive care unit.

Matatapos na sa June 30 ang termino sa Senado ni Santiago na nag-71 taong gulang na noong June 15.

Read more...